Tumira si Annie Gail sa bahay ng pamilya ni Adonis dahil sa alok ng mama ng binata na tulungan itong maka-move on sa pagkawala ng kasintahan nito. Tinanggap niya ang alok dahil makakatulong din naman iyon sa kanya. Gusto niyang makalimutan ang kabiguang nararamdaman niya dahil sa hindi pagsipot ng groom niya sa araw ng kanilang kasal. Pagkatapos ng insidenteng iyon ay sinabi niya sa sariling hindi na uli siya magmamahal.
Iyon ang akala niya. Sa araw-araw na laging kasama ni Annie Gail si Adonis ay nahulog ang loob niya rito. Nagising na lang siya isang araw na mahal na niya ito. Lalo pang nahulog ang loob niya kay Adonis nang halikan siya nito.
Ngunit kung akala niya ay pareho ang nararamdaman nila para sa isa’t isa ay nagkakamali siya. Nawalang parang bula ang lahat ng pag-asa niya nang malaman niya mula mismo kay Adonis ang dahilan kung bakit hinalikan siya nito.
WARNING: Spoiler ahead!!!
This is your last chance, kung ayaw mong ma-spoil, itigil mo na ang pagbabasa sa post na ito.
Okay, na-warning-an na kita kaya walang sisihan. XD
Detailed Comments:
- Umpisa pa lang ay parang gusto ko ng isara ang libro. Weh? Joke lang. hehe! Pero seriously, hindi encouraging ang napakahabang narration sa umpisa. Parang masyadong isiniksik sa iilang sentences ang buong istorya ng nakaraan nina Adonis at ng namatay niyang gf. Ano nga bang pangalan? Parang na-miss ko yata. Teka... (check uli ang book) Nina pala ang pangalan.
- May flashback naman pala. Sana nilagay na lang din niya sa flashback ang courtship part nila Adonis at Nina. Wala lang, feeling ko mas maganda ang pagkakapresent at mas makikisimpatya ako kay Adonis kapag ganoon kesa nung sinabi lang sa mahabang narration ang kabuuan ng love story nila.
- Magpunta naman tayo kay Annie Gail... again, masyadong mahaba ang narration ng love story nila ni Gilbert!
- Okay, paanong maliligaw ang isang lalaking nagda-drive? I mean, hindi ako nagda-drive sa Metro Manila dahil hindi ako pamilyar sa mga iba-ibang route. Pero may kaibigan akong sanay magdrive sa siyudad at imposible talagang maligaw siya dahil sa dami ng alternative route na alam niya papunta sa kung saan-saan. Dahil na din iyon sa madalas na paghahanap ng pwedeng lusutan kapag traffic o kaya ay kapag nagmamadali. So I really didn't buy it that Gilbert was lost. Ina-assume ko na nagda-drive si Gilbert dahil na-tow ang kotse nito at mag-isa itong sumakay ng bus.
- Parang mali na twenty years old lang si Annie Gail nung magkakilala sila ni Gilbert. Kasi diba accountant siya? Normally ang accountancy ay five years tapos may board exam pa.
- AHH! Sinong matinong magulang ang iiwan ang kanilang anak sa ganoong sitwasyon? Sabihin nyo sakin dali!
- Ang hahaba naman ng mga narration. Parang gusto ko ng laktawan!
- Okay, finally nagmeet na si Adonis at Annie Gail. Ang tagal nilang magmeet.
- Gusto ko sana ang first meeting nila. Kaya lang masyado talagang mahahaba ang narration. Alam ko na kung ano ang nafi-feel nila pareho. Hindi na siguro kailangan pang ulitin. I mean, I get the idea. No need to reword them every few paragraphs.
- Hindi na talaga ako natutuwa sa mga narrations na ito...
Napahinto si Annie Gail sa pagsigaw nang marinig niya ang tinig na iyon. Lumingon siya at nakita niya sa pinto ang isang lalaki. Nakakunot ang noo nito. Pinagmasdan niya ito. Magulo ang buhok nito. Kulay-brown at malamlam ang mga mata nito na parang may matindi itong pinagdaraanan. Manipis ang mga labi nito. Matangkad din ito at maputi. Matangos ang ilong nito.
- Fill in the blanks: _____ ang (mga) ____ nito. Repeat six times. Sorry, sanay kasi ako sa mga: mababanaag ang kakaibang kalungkutan sa kulay chokolate nitong mga mata, ang buhok nito ay para bang ilang beses na dinaanan ng mga kamay nito, etc.
- Promising sana ang unang scene nila Adonis at Annie Gail. Pero ewan ko, parang hindi lang natural yun mga dialogues. Maybe that's just me. Hindi lang ako convinced na bigla na lang ikukwento ni Annie Gail ang nangyari sa kanya sa isang estranghero.
- Parang hindi smooth and transition doon sa pagkatapos ng first meeting tapos biglang nasa bar na agad. I know it's the next chapter pero ang layo talaga. At ang dami nanamang narration.
- So, again, promising ang muling pagkikita nila. Nakakatuwa sana iyong pagsusuka ni Annie Gail. Pero hindi ko alam kung bakit hindi pa rin ako kinikilig. Siguro dahil sa dami ng narration. Feeling ko yun nga. hahahaha
- Hindi realistic ang dating ng usapan ni mama ni Adonis at ni Annie Gail. Hindi pa nga alam ang background ni Annie Gail aalukin na niya agad ng ganoon? Hindi ko magets ang reasoning ng "setup" nila.
- Ang korni ng itlog! At bakit parang pamilyar ang setting? Mala-Full House ang dating. Pero sa Full House, damang-dama kong pogi si Justin. Parang diko naman nafi-feel na pogi si Adonis. So far ay wala pa siyang ginagawa para masabi kong pogi siya.
- Teka, mabalik lang ako dun sa setup. Alam kong normal lang ang ganito sa ibang bansa pero hindi sa Pinas.
- Kailan binigyan ni Adonis si Annie Gail ng permiso para tawagin siya nitong Don?
- I could see what the writer was trying to do at the walis tambo scene. I think it's good but it needs work. Hindi ako kinilig, though I see the potential there.
- Chapter 5, narrations nanaman!
- Hindi ko parin mafeel na pogi at macho si Adonis! What's wrong with me? Or better yet, what's wrong with this book? hahahaha
- Finally, may scene din akong ikinatuwa. Kahit paano ay nagustuhan ko ang scene na may song and dance number. Kaya lang parang pamilyar ang scene na ito. Hindi ko lang ma-pinpoint exactly. Parang nakita ko na ito sa isa sa mga nobela ni Sonia Francesca.
- Okay, even for the purposes of trying to be funny, hindi ko talaga matake ang mga babaeng walang poise at walang table manners. Una sinukahan niya si Adonis. Tanggap ko na sana yun kung yun lang. Pero ngayon naman ay binugahan niya ng pagkain. Cute siguro ito sa mga koreanobela pero hindi tayo koreano. Pinoy tayo at naniniwala ako na ang mga Pinoy ay may above-average na table manners. And again, this is so Full House. Nabugahan din ni Jessie si Justin. I know because I've rewatched Full House more than twice.
- Hindi talaga ako natutuwa sa nanay ni Adonis. Basta-basta na lang siyang maghahire ng babae para maging chaperone ng anak niya. Tapos napaka-unrealistic pa ng matchmaking skills niya.
- Hindi ko na-feel na months na palang tumira si Annie Gail sa condo ni Adonis. Para kasing wala silang progress. Kung ano ang turingan nila sa umpisa ay ganoon parin ang turingan nila hanggang sa chapter 7. Kahit pa may mga "moments" naman sila ay hindi ko parin nakita ang development ng kanilang feelings pati na ang development ng kanilang relasyon bilang housemates.
- Muli, promising sana ang scene kung saan iniligtas ni Adonis si Annie Gail. Promising. Yun lang. In my opinion, hindi naisulat ng maayos ang scene.
- Narrations... Narrations... Narrations...
- Natatakot mag-isa si Annie Gail kaya sinamahan siya ni Adonis sa kuwarto. Okay lang. Tinabihan pa sa pagtulog. Okay lang din. Pero paggising nila kinaumagahan ay parang bigla na lang na-solve ang lahat ng problema nila. Hindi man lang nagkailangan? There's a reason why there's a thing called "morning after." Kasi may magic ang gabi, diba? Na normally ay nawawala na sa umaga.
- "Maybe there's a reason why he left you." Of course, there is! Duh! No need to state na obvious. hahaha
- When exactly did they have their first kiss? Nalampasan ko ba? Bakit parang normal na lang na nagkikiss sa page 100? How exactly did they get there?
- And suddenly, they're acting like newlyweds? (nakakunot ang noo habang tinatanong ito)
- "Paano mo nagawa sa akin to?" Seriously? Ang gasgas na ng linyang ito.
- I'm guessing may story si Gilbert na iba, right? Otherwise, I'll just think that his explanation about not making it to their wedding was so lame.
Summary:
- There's too much narration.
- IMO, there's no character development.
- IMO again, too many unrealistic scenes and setups.
- IMO again, the dialogues are too... textbookish? Is that even a word? I mean, they're too contextual. They don't sound natural.
So there went my commentary. You can love it, hate it, ignore it, condemn it, or just take it as it is.

No comments:
Post a Comment