Pages

Thursday, April 25, 2013

Bets On Love by Holly Laine


Dahil sa kagustuhang matupad ang matagal nang pangarap ay napilitan si Scarlett na humingi ng tulong sa pinakaiinisan niyang nilalang—si Apollo, ang best friend ng kakambal niya. Para matulungan siya nito ay kinailangan niyang makasama ito sa bahay sa loob ng tatlong araw.

Expected na niya ang araw-araw na bangayan, pero hindi iyon ang nangyari. Nag-aaway man sila, ikinagulat naman ni Scarlett ang pagpapakita ni Apollo ng concern at pag-aalaga sa kanya. Maniniwala na sana siyang totoo ang mga ikinikilos nito nang malaman niyang pinagti-trip-an lang siya nito. Hanggang sa humantong ang pagbabangayan nila sa isang pustahan. Huli na nang matanto niya na hindi siya dapat nakipagpustahan dito, dahil natalo siya. Ang parusa: magiging slave-girlfriend siya nito sa loob ng dalawang buwan.

Tinanggap niya ang pagkatalo. Ginampanan niya ang maging dapat niyang papel sa buhay nito—hanggang tuluyang mahulog ang loob niya rito. Ang problema na lang ay ang kumbinsihin niya ang sariling huwag seryosuhin ang relasyon nilang bunga lang ng isang pustahan.




WARNING: Spoiler ahead!






Kung ayaw mong ma-spoil, tigilan mo na ang pagbabasa ngayon din!






Last chance to back out. After this, wala ng sisihan. XD





Detailed Comments:
  • So far, so good.
  • Yung scene na sinakal ni Scarlet si Apollo, sana ipinakita na lang kung paano nangyari iyon. Hindi yung basta na lang nakasakal na. Mukha pa namang maganda sana. Pati iyong pagpapaliwanag ni Scarlett sa favor na hihingin niya.
  • Nung ibigay ni Apollo ang susi kay Scarlett, sana mas mahaba din. Sana may dialogues. Exciting pa naman ang dating niyon sakin.
  • Feeling ko ang pogi ni Apollo. I like his teasing. Hindi pilit ang dating.
  • Napapangiti ako sa mga bangayan nina Scarlett at Apollo. So far, hindi ko pa naman sila mapintasan.
  • So far uli, hindi pa ako naiinis sa mga english ng writer na ito. Tama ang pagkakagamit niya ng mga salita.
  • Sana lang ay napakita through dialogues ang nangyari sa almusal nila.
  • It's official, pogi na talaga si Apollo para sa akin. Men + motorcycle = perfect combination!
  • Parang masyado namang fast forward iyong part na kinausap ni Scarlett ang sarili nung may makabunggo siya tapos nasabi niya na si Apollo ang type niya.
  • I must admit, I had to stop and check if "drearest" was even a word. (looking... looking...) It is a word after all! I don't claim to be the best in english but I can say I'm above-average when it comes to the language. This might not be the best choice of word to use in a tagalog pocketbook, especially since there are readers who are less versed on the language and will not be able to understand.
  • I like the almost-kiss scene. Kinilig ako. Wait, what? I know, I know, parang hindi normal na sinasabi ko ang bagay na ito. Pero kinilig talaga ako. I think Apollo is a good guy.
  • I spotted a few poorly constructed sentences but I'm willing to overlook them. So far ay nagugustuhan ko talaga ang takbo ng librong ito at willing akong patawarin ang mga pagkakamaling iyon. 
  • Hindi ko masyadong gets kung bakit kailangan maging caretaker ni Scarlett sa bahay ni Apollo. Hindi ba dati namang naiiwan lang yun ng walang nagbabantay?
  • Gusto ko iyong pagbalik ni Apollo. Gusto ko din yung may yakap portion. Kaya lang ay parang out of place na ganoon siya magsalita. Hindi ko nagustuhan ang dialogues nila dito.
  • Gusto ko ang kundisyon ni Apollo na maging slave-girlfriend si Scarlett. Pero hindi ko gusto ang kundisyon ni Scarlett na ibigay sa kanya ang titulo ng bahay. I think it's too self-serving. Titulo ng bahay na ang pinag-uusapan dito! I know may gusto si Apollo kay Scarlett pero it's just not realistic for me. What person in his right mind would risk his house on a child-like bet such as this? Unless it was a real gamble, I don't see this happening in real life at all.
  • Kung titulo ang kapalit ng pustahan ito, dapat ay hindi lang two months ang hiningi ni Apollo.
  • Sana ay ipinakita iyong mga ginagawa nila na parang magkasintahan. Hindi iyong basta sinabi lang.
  • I really like Apollo. I think he's charming and sweet.
  • I like how the writer wrote their first kiss. I really can't say much about it except it really looks like it belongs to a romance novel. It was sweet. I could feel the emotions behind the kiss.
  • I like how Skylar was protective of his sister. And I like that Apollo talked to him about Scarlett. It shows how much of a good friend they are and how much they respect each other.
  • I like Scarlett and Skylar's convo about Apollo. Natural ang dating sa akin.
  • I agree! Ang cute ngang magselos ni Apollo.
  • Dun sa isang novel na ginawan ko ng comments (Ailaine novel), nainis ako dun sa part na hinatid nung guy yung girl sa kama. I found it trashy there. But here, I liked it. Kinilig ako. Maganda at nakakakilig ang interaction nina Apollo at Scarlett dito. I, therefore, conclude that the success of such scene is dependent on the manner it was written. And I am confident to say that this was well written.
  • Gusto ko ang convo ni Scar with her friends. May focus ang conversation. Hindi iyong nagbabato na lang ng random thoughts ang mga kaibigan. Nagustuhan ko din na hindi natabunan si Scar ng mga kaibigan niya. Oo nga at idinescribe parin dito ang friends niya at may kaunting natutunan ako tungkol sa kanila, pero hindi parin nawawala ang focus kay Scarlett. There's just enough to know her friends but not too much info.
  • Tamang-tama lang ang pagkakadiskubre ni Scarlett sa kanyang feelings tungkol kay Apollo. I think it's realistic enough. May konting doubts parin at denial, pero ganoon naman talaga diba?
  • I know what TRO means. Pero hindi naman lahat ng taong nagbabasa ng pocketbook ay alam ang ibig sabihin nito. I think it's better kung naipaliwanag kung ano yun.
  • Anyway, I'm not very knowledgeable about this pero hindi ba ang restraining order ay sa korte dapat fina-file at korte lang din ang nagga-grant nito? But hey, you're welcome to correct me if I'm wrong.
  • Aw, Apollo is really sweet.
  • So far, I have good things to say about this book. Until dumating sa scene na nakita ni Scarlett si Apollo na may kasamang babae. Wala na bang iba? Gasgas na to eh! Nabasa at napanood ko na ito sa napakaraming love story. Mapa-english man o tagalog. 
  • Ito na ang nakakainis na "misunderstanding" part. I really hate it when writers pull this trick. At dahil nasaktan si Scarlett ay sasaktan na din niya si Apollo. Sana nag-isip na lang ang writer ng ibang conflict! Ang ganda na sana eh!
  • I agree with Skylar! Hindi naman kasi problema tapos ginagawa lang nilang problema. 
  • I thought Apollo would fight harder kasi abot-kamay na niya si Scarlett. Hindi ko nagustuhan ang paglalasing niya.
  • At least nagustuhan ko ang reunion nila. Walang overdramatic words na hindi naman talaga nangyayari sa tunay na buhay. 
  • Sana ipinakita ng writer yung part na ipinaliwanag na ni Sky ang tunay na sitwasyon. Basta na lang kasi binanggit na PA pala niya yung kasama ni Apollo that time. Parang nawala na yung effect na, "ahh... (habang tumatango)"
  • Mas sweet sana ang revelation ni Apollo ng lahat ng pinaggagawa niya para kay Scarlett kung ipinakita iyon. Lalo na ang paninilbihan niya sa pamilya ni Scar! It was an old tradition and if you think about it, it's really sweet. Kaya lang ay basta na lang sinabi sa narration. Nawala din tuloy yung effect na "hay...(habang may dreamy look sa mata)"

Summary:
  • Scenes are realistic enough.
  • Dialogues are natural enough.
  • The conflict could have been better.
  • There are no unnecessary scenes. They are quite focused and have a definite objective.
  • Transitions are okay.
  • It could have been better if the important revelations were shown rather than narrated. 

So there, you can love it, hate it, ignore it, condemn it, or simply take it as it is.

No comments:

Post a Comment